Dahil mahal kita

Kumusta na ba ang puso mong labis na nasaktan noon?
Nghilom na ba ang mga sugat nito?
Bakit tila yata’y malungkot parin?
Nakatingin sa malayo.
Mga luhang pilit mo tinatago.
Batid ko ang sakit na nadarama mo.
Nasan na ang saya?
Mga ngiti mong tila’y naglaho na.
Tama na yan. Andito naman ako.
Imulat ang mga mata, at ako nama’y pansinin mo.
Isang katulad ko na dati pa nagmamahal sayo.
Aaminin ko na ba itong lihim na nararamdaman?
Nag aalinlangan sabihin sayo baka ako’y iyong iwasan.
Ngunit ako’y nahihirapan ng nakikita kang ganyan.
Bahala na nga, sige na nga, sasabihin ko na yung totoo ko nararamdaman.
Baka sakaling mahalin mo rin ang isang katulad ko.
Halika, isandal mo ang ulo sa aking balikat.
Andito lang ako para sayo..nagmamahal.
Kung gusto mo umiyak, sige lang. Ng mabawasan ang sakit ng iyong nararamdaman.
Pero pangako mo huli na yan,
hindi na ko papayag na patuloy  ka nasasaktan…
Dahil Mahal kita.

Leave a comment